Kung namumuhay ka nang may dementia, o kung nangangalaga ka ng taong namumuhay nang may dementia, narito ang Finding Your Way upang tumulong. Sa page na ito, makakahanap ka ng mahahalagang mapagkukunan at impormasyon na makakatulong sa iyo o sa taong inaalagaan mo na mamuhay nang ligtas sa komunidad. Sa mga seksyon sa ibaba, tatalakayin natin ang tungkol sa pag-alam sa mga panganib na nauugnay sa dementia, pagpapaliit ng posibilidad na maganap ang mga ito, at pagkakaroon ng plano kung sakaling magkaroon ng insidente. Isang magandang simula ang aming bagong Sangguniang Gabay para sa Pamumuhay nang Ligtas nang May Dementia.
Bagama’t may iba’t ibang kaakibat na pagsubok ang pamumuhay nang may dementia, maraming tip at diskarte na magagamit upang tiyaking makakapamuhay nang ligtas ang mga taong may dementia sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Subukan ang interactive na “Sangguniang Gabay para sa Pamumuhay nang Ligtas nang May Dementia” upang i-explore ang mga tip sa kaligtasan para sa mga taong may dementia mula sa siyam na iba’t ibang paksa. Kung hindi naman, maaari mong i-access ang content na ito sa pamamagitan ng pag-download ng PDF ng Sangguniang Gabay para sa Pamumuhay nang Ligtas nang May Dementia!
Sinumang may demensya ay nanganganib na mawala, kahit na sa maagang stage ng sakit. Ang pag-unawa sa demensya at mga kaugnay nitong panganib ay makatutulong upang ang lahat ay makapamuhay nang ligtas sa komunidad.
Ang Ligtas na Pamumuhay nang may demensya ay hindi nangangahulugang pag-iwas mula sa pagiging aktibo. Alamin kung paano babalansehin ang mga bantang panganib na kaugnay ng pagkakaroon ng demensya at magtamasa ng isang malusog at ligtas na pamumuhay.
Ang taong may demensya na iyong sinusuportahan ay maaaring mawala kahit na anong pag-iingat pa ang iyong gawin at hindi laging posible na mahulaan kung kailan ito mangyayari. May mga paraan upang bawasan ang panganib ng pagkawala gaya ng paghahanda ng maaga. Alamin kung paano makapaghahanda.
Isaalang-alang ang kanilang paninirahan – ang tao ba ay naninirahan nang mag-isa, kasama ng pamilya o ng isang kasama?
Isaalang-alang ang pisikal na lugar:
Isaalang-alang ang pisikal na kalusugan:
Bawasan ang panganib ng pagkawala:
Bawasan ang panganib ng pagkakaroon ng Injury:
Pag-isipan ang iba’t-ibang opsyon ng transportasyon:
Manatiling kunektado:
I-enjoy ang mga pang-araw-araw na aktibidad:
Maging bukas sa pagtatanggap ng suporta:
Nagbibigay ang Finding Your Way ng maraming mapagkukunan ng impormasyon na tutulong sa mga tagapangalaga at mga taong namumuhay nang may dementia na magkaroon ng plano kung sakaling may mangyaring insidente ng pagkawala ng isang tao. Kung mawala o hindi makita ang isang tao, titiyakin ng Identification Kit (Kit ng Pagkakakilanlan) na mayroon ka ng mahahalagang impormasyon na ibibigay sa mga pulis o mga unang reresponde. Mayroon ding mga checklist ang Finding Your Way na nagpapaliwanag sa mga hakbang na dapat mong sundin kung mawala man ang kilala mong taong may dementia.
Manood ngayon