Ang Finding Your Way® (Paghahanap sa Tamang Daan) ay tumutulong sa mga taong may dementia, sa kanilang mga pamilya, tagapangalaga at komunidad na malaman ang panganib na sila ay mawala o maligaw, at matiyak na ang mga taong may dementia ay maaaring mamuhay sa komunidad nang ligtas.
60 porysento ng mga taong may mga problema sa memorya na may kinalaman sa dementia ang nawawala o naliligaw minsan sa kanilang buhay. Ipinapakita namin sa ibaba ang mga paraan kung paano makakatulong ang Finding Your Way.
Paunawa: Kung may kilala kang isang taong may dementia na nawawala, mangyaring tumawag agad sa 911.
I-explore ang Sangguniang Gabay!Mahalagang malaman ang mga panganib, ngunit ang mga taong may dementia at ang kanilang mga pamilya ay maaari pa ring mamuhay nang matiwasay sa komunidad. Kung mayroon kang dementia, o may inaalagaan kang tao na may dementia, mayroong mga impormasyon at mapagkukunan ng kaalaman ang Finding Your Way upang matulungan kang maging handa at manatiling ligtas.
Mayroon tayong pananagutan na tulungan ang mga taong may dementia na makapamuhay nang ligtas sa komunidad.
Nagbibigay ang Finding Your Way ng mga mapagkukunan ng mahahalagang kaalaman upang tulungan kang malaman kung ano ang dapat gawin kung may makita kang isang taong may dementia na nawawala o mukhang nalilito. Kung nagtatrabaho ka para sa publiko, lalo na sa mga nakakatanda o nawawalang tao, lalong mahalaga para sa iyo na malaman kung paano gagawing ligtas ang ating komunidad para sa mga taong may dementia.